dzme1530.ph

400 OFW target pauwiin ng Department of Migrant Workers

Nais ng Department of Migrant Workers (DMW) na maiuwi ang nasa tatlong daan mula sa 421 mga distressed Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait ngayong Enero.

Sina DMW Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Sevices Hans Cacdac, Overseas Workers Welfare Administrator Arnell Ignacio, at Social Welfare Attache Bernard Bonino ay nasa Kuwait upang tingnan ang kalagayan ng mga OFW na nasa bahay kalinga shelter.

Ang inisyal na isandaang returnees ay uuwi kasama ang DMW Team ngayong martes ng hapon.

Inihayag ni Cacdac na pinag-aaralan din nila ang posibilidad na magkaroon ng pansamantalang pangalawang shelter upang mapaluwag ang bahay kalinga habang pina-plano ang mas malaking site.

Tiniyak din aniya ng Kuwaiti authorities na kanilang nakausap noong linggo, ang mabilis na pag-proseso sa clearances ng mga OFW.

About The Author