dzme1530.ph

40 pamilyang apektado ng pagbagsak ng puno ng Balete sa Maynila, magkakabahay —NHA

Nangako ang National Housing Authority (NHA) na mabibigyan ng pabahay ang nasa 40 pamilyang naapektuhan ng pagbagsak ng malaking puno ng Balete sa Estero de Magdalena sa Binondo, Maynila nitong Huwebes, May 18.

Personal na nagtungo upang makiramay si NHA General Manager Joeben Tai sa kinaroroonan ng mga biktima kabilang ang mga pamilyang naulila pati na ang mga nasugatan.

Nabatid na pansamantalang nanunuluyan sa Delpan evacuation center ang mga residenteng nakatira sa lugar.

Ayon sa NHA, isa sa kanilang priority program ang mailikas ang informal settler families (ISFs) na nakatira sa mga mapanganib na lugar gaya ng estero, creeks, at railways.

Matatandaang hindi na pinabalik ng mga otoridad ang mga biktima sa kani-kanilang mga bahay matapos ang aksidente. –sa panulat ni Joana Luna, DZME News

About The Author