Halos 40% ng 194 flagship infrastructure projects ng pamahalaan ang itatayo sa Mindanao.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, 76 na proyekto ang matatagpuan sa Mindanao na tinatayang nagkakahalaga ng P2.4 trillion.
Sinabi ni Diokno na kabilang dito ang Davao Public Transport Modernization Project, na aniya ay “first-ever network solution to urban congestion” sa bansa.
Tinukoy din ng kalihim ang Mindanao Railway Project, Samal Island-Davao City Connector Bridge, Davao City Expressway, at Panguil Bay Bridge, na inaasahang matatapos sa Hunyo sa susunod na taon. —sa panulat ni Lea Soriano