Inihalintulad ng Department of Health (DOH) ang 40-48 degrees celsius na heat index na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa sa tila nakalubog sa mainit-init na kape.
Paliwanag ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo, ang normal na temperatura ng katawan ng tao ay 37°c lamang habang ang mainit-init na kape ay karaniwang nasa 50 hanggang 60°c.
Sa tala ng DOH, simula Jan. 1 hanggang Apr. 18, mayroong 34 cases ng heat-related illnesses na naiulat sa Central Visayas, Ilocos region, at SOCCSKSARGEN.
Sa naturang bilang, anim ang nasawi, subalit isinasailalim pa sa beripikasyon ang kanilang cause of death.
Payo ng DOH, limitahan ang paglabas sa pagitan ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon upang makaiwas sa mga sakit na dala ng napakainit na panahon.