dzme1530.ph

4 suspek sa Degamo slay, hindi kailangang gawing state witness —kampo ng pamilya Degamo

Iginiit ng kampo ng pamilya Degamo na hindi na kailangang gawing state witness ang apat na sumukong suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa, dahil sapat na ang mga hawak nilang ebidensya.

Tiwala si Atty. Levito Baligod, abogado ng pamilya Degamo, na mapatutunayan pa rin nila ang mga isinampa nilang kaso, batay sa kanilang mga nakalap na ebidenysa nang hindi kinakailangang gawing state witness ang sinuman sa mga suspek.

Una nang inihayag ng Department of Justice na pinag-aaralan nilang isailalim ang dalawang respondents sa witness protection program ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Baligod na maari lamang gamitin bilang state witness ang suspek kung ito ang “least guilty” o kung ang kanyang testimonya ay kailangang-kailangan para mapatunayan ang krimen.

About The Author