Posibleng maharap sa dismissal, forfeiture of benefits, at perpetual disqualification mula sa anumang pampublikong opisina sa gobyerno ang apat na senior officers ng Philippine National Police (PNP) na inirekomenda sa pangulo na tanggapin ang courtesy resignation.
Ayon kay DILG sec. Benhur Abalos, na siya ring chairperson ng National Police Commission, Ang NAPOLCOM ang hahawak ng kasong administratibo na isasampa sa 2 general, 2 colonel ng PNP, habang Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Offices (MOLEO) ang tututok sa sandaling sampahan din ang mga ito ng kasong kriminal.
Naglabas na aniya ang NAPOLCOM ng resolusyon at pre-charge investigation sa 2 colonels.
Sa ngayon hindi pa rin pinangalanan ang naturang mga police officials pero pagtitiyak ni Abalos, na ilalabas ang pagkakakilanlan ng apat pagkatapos ng imbestigasyon at maisampa ang administrative charges laban sa kanila.