dzme1530.ph

4 PCG rescuers na nawawala, patuloy na hahanapin -PCG

Ligtas na natagpuan ang mga sakay ng tugboat na unang napa-ulat na nawawala sa Cagayan, River nitong nakaraang linggo, sa gitna ng pananalasa ng bagyong Egay.

Ayon kay Rueli Rapsing, officer-in-charge ng Cagayan-PDRRMO, nakita sa Camiguin Island ang mga biktima.

Nabatid na sila ang mga sasagipin sana ng apat na Philippine Coast Guard (PCG) rescuer na nawawala pa rin hanggang sa kasalukuyan matapos tumaob ang sinasakyan ng mga itong aluminum boat dahil sa malakas na hangin at alon.

Sinabi naman ng PCG na kanilang gagawin ang lahat para mahanap at mailigtas ang mga rescuer.

About The Author