dzme1530.ph

4 pang directors ng Maharlika Investment Corp., pinangalanan

Pinangalanan na ang apat pang directors ng Maharlika Investment Corp., na itong magpapatakbo ng Maharlika Investment Fund.

Nanumpa sa pwesto sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang MIC Directors na sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.

Si Tan ay nag-trabaho sa executive positions sa iba’t ibang malalaking bangko sa bansa, kabilang na sa Asian Development Bank mula 2002 hanggang 2021.

Sina Gan, Lichauco, at Reyes naman ay nanggaling din sa ilang malalaking kumpanya sa bansa at abroad.

Matatandaang una nang itinalaga ng Pangulo si Rafael Consing Jr. bilang president at chief executive officer ng MIC. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author