dzme1530.ph

4 na segments ng Bataan-Cavite Bridge Project, target i-bid out ng DPWH ngayong 2024

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-bid out ang apat mula sa anim na segments ng Bataan-Cavite Interlink Bridge Project ngayong taon.

Inihayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang bidding para sa kontrata ng dalawang land-based segments ng proyekto ay isasagawa sa unang anim na buwan ng 2024.

Sa ngayon aniya ay nag-iimbita na sila ng international contractors na mayroong experience sa mga ganitong project.

Idinagdag ni Bonoan na plano naman nilang i-bidout sa second half ng taon ang dalawa pang segments ng proyekto, kabilang ang pinakamahabang bahagi ng cable-stayed bridge.

Una nang ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. na sa sandaling makumpleto, ang 32-kilometer Bataan-Cavite Bridge na itatayo sa Manila Bay ang magiging ikalawa sa pinakamahabang tulay sa buong mundo

About The Author