4 na batang katutubo, kabilang ang 11 buwang gulang na sanggol, ang natagpuan buhay sa masikip na Colombian Amazon, kasunod ng plane crash mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, ayon kay President Gustavo Petro.
Sa pamamagitan ng Twitter, sinabi ni Petro na natagpuan ang mga bata matapos ang matinding search efforts ng militar.
Mahigit 100 sundalo ang idineploy, kasama ang sniffer dogs, para hanapin ang mga bata na bumiyahe sakay ng eroplano na bumagsak noong May 1 at nagresulta sa pagkamatay ng tatlo katao, kabilang ang piloto at ina ng mga bata.
Naniniwala ang mga rescuer na nagpagala-gala sa kagubatan ang mga bata na edad 13, 9, at 4, mula nang mag-crash ang sinakyan nilang eroplano.