Sa kulungan ang bagsak ng 3 kalalakihan at isang babae matapos silang maaktuhan naglalaro ng illegal na sugal na Cara y Cruz, habang nagpapatrolya ang MPD, Sta. Ana Police Station (PS-6) kaugnay ng madalas na Anti-Criminality Operations.
Dinakip ang 4 na indibidwal sa bahagi ng kahabaan ng Onyx St., Brgy. 775, San Andres Bukid, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ricardo Raca y bermas, alyas Cardo, Mark Joseph Ejercito y Go, alyas Mark, Rey Senador y Muñon, alyas Tanene, Angelica Estreller y Ruiz, alyas Angel, na parehong mga naninirahan sa nabangit na lugar.
Nakuha sa apat na kataong dinakip ang mga ebidensiya na ginamit sa illegal gambling na Cara y Cruz, kabilang na ang isang kutsilyo na may haba o pulgada na 15.5.
Kasalukuyan ng nakakulong ang 4 na mga suspek sa nabangit na istasyon ng pulis at nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling) “Cara y Cruz” at R.O. 864-C (concealing deadly weapon) kaugnay ng Omnibus Election. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News