dzme1530.ph

3rd batch ng Pinoy repatriates, dumating na sa Pilipinas

Balik-bansa na ang 15 Pinoy repatriates na inilikas via Jeddah mula Port of Sudan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), lulan ng flight SV870 ang ikatlong batch ng mga repatriated Pinoys na lumapag sa NAIA Terminal 1, kagabi.

Bukod sa emergency kit, nakatanggap din ang mga ito ng financial, food at transportation assistance, hotel accomodation kung kinakailangan, mula sa DMW-OWWA.

Sa ngayon, nailikas na mula sa Sudan ang mahigit 600 Pinoy habang nagpasyang manatili sa Sudan ang nasa 100 Pinoy.

About The Author