dzme1530.ph

38% ng mga Pinoy, naniniwalang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na anim na buwan, ayon sa survey

Naniniwala ang 38% ng mga Pilipino na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan, batay sa survey ng OCTA Research.

Sa Dec. 10-14 survey na nilahukan ng 1,200 respondents, lumitaw din na 51% ng mga Pinoy ang naniniwalang hindi magbabago ang lagay ng ekonomiya, habang 8% ang nagsabing lalala, at 3% naman ang sumagot nang “hindi nila alam.”

Lumabas din sa Survey na 49% ng Filipino adults ang naniniwalang gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na anim na buwan.

45% naman ang nagsabing hindi magbabago at 4% ang naniniwalang lalala ang kalidad ng kanilang pamumuhay. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author