dzme1530.ph

35 OFWs na biktima ng human trafficking sa South Africa, nakauwi na ng Pilipinas

Matagumpay na nakauwi dito sa Pilipinas ang 35 mga OFW na nabiktima ng Human Traficking sa Namibia, South Africa.

Humigit kumulang sa dalawang buwan na ang nakakaraan, sa pamamagitan ng programang DZME LAKING TULONG BALITAAN at AKSIYON, lumapit ang mga ito upang tapusin na ang mahigit anim na buwan nilang pananatili sa Namibia, South Africa matapos mahuli ng mga awtoridad ng Namibian Government habang iligal na nangingisda sa lugar.

Matapos manawagan, agad na tumugon si OFW party list Rep. Marissa “Del Mar’ P. Magsino sa DZME Laking Tulong Balitaan at Aksiyon…

Hindi nagtagal ay tumugon na rin ang Department of Migrant Workers sa pamumuno ni Sec. Toots Ople, Overseas Worker Welfares Administration sa pamumuno ni Admin. Arnel Ignatio, ang Department of Foreign Affairs at iba.

Mamaya, antabayanan sa DZME Laking Tulong Balitaan at Aksiyon program ang ekslusibong kasaysayan ng 35 na OFW na  nakauwi ng bansa sa tulong DZME 1530khz.

About The Author