Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $300-million policy-based loan para suportahan ang financial inclusion efforts ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sinabi ng ADB na layunin ng loan program na tulungan ang gobyerno sa paglikha ng mas matatag na institutional at policy environment upang lumawak ang access ng mga Pilipino sa financial services.
Makatutulong din ito para maitaas ang kapasidad ng financial service providers, gaya ng rural banks at non-bank financial institutions, upang mag-alok ng mga dekalidad na produkto at serbisyo na accessible sa pamamagitan ng iba’t ibang delivery channels. —sa panulat ni Lea Soriano