Inilikas ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang nasa 30 pamilya na nasa low lying areas ng lungsod matapos itaas sa second alarm ang water level sa Marikina River.
Ito ay dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong Egay.
Sa datos na inilabas ni City Public Information officer Lou Navaroo, 18 pamilya ang kasalukuyang naninirahan sa Barangay Covered Court habang 11 naman ang nanunuluyan sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.
Ayon kay Navarro, isang pre-emptive measure ang ginawa ng Marikina LGU sa mga posibleng maapektuhan na residente habang wala pang naitatalang pagbaha sa lungsod. —sa panulat ni Jam Tarrayo