dzme1530.ph

30 bahay sa Navotas, nasunog

Tinupok ng apoy ang nasa 30 bahay sa Navotas City, kahapon.

Ayon kay City Fire Marshall Fire Supt. Jude delos Reyes, tinatayang 50 hanggang 60 pamilya ang nasunugan sa Silahis St. sa Barangay Tanza.

Aniya, agad na ini-akyat ang sunog sa ikalawang alarma dahil mabilis itong kumalat sa residential area bunsod ng gawa ang mga bahay sa light materials.

Idineklara namang fire out ang sunog pasado alas-5:00 ng hapon.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author