Inilatag ng Dep’t of Agriculture kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “Para sa Masaganang Bagong Pilipinas” 3-year plan para sa pagpapalakas ng produksyon at sa pagpapaganda ng post-harvest system.
Sa sectoral meeting sa Malakanyang, iprinisenta ang 3-year plan na tututok sa pagpapalawak ng Agri-fishery areas, modernisasyon ng fishery production system, at pag-develop ng post-harvest systems at infrastructure.
Sinabi naman ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na kailangang paramihin ang produksyon sa harap na rin ng lumalaking populasyon.
Kaugnay dito, isinulong ng DA Chief ang pagsasaayos sa logistics, at sinabi rin nito na bubuhusan ng pondo ang post-harvest facilities tungo sa layuning maibaba ang presyo ng mga produkto. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News