dzme1530.ph

3 suspek sa Salilig hazing case, sumuko sa NBI

Tatlong suspek sa pagpatay sa Adamson University student na si John Matthew Salilig ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito’y makaraang ilabas ng Biñan Regional Trial Court Branch 155 noong July 6 ang Warrant of Arrest laban sa kanila at sa siyam na iba pang suspek dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law of 2018.

Isang Ryan Camangyan ang unang sumuko noong Huwebes habang nagtungo si Aron Cruz sa NBI-National Capital Region kahapon kasama ang kanyang abogado at sinundan ito ng isang Ralph Tan.

Sina Cruz at Tan ay kapwa miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity-Adamson Chapter, ang kapatiran na itinuturong may kaugnayan sa pagkamatay ni Salilig. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author