Tatlo katao ang patay sa sumiklab na sunog sa isang residential area sa Molo District, Iloilo City, kaninang umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng molo police station, nagsimula ang sunog dakong alas-4:42 ng madaling araw.
Ayon sa City Social Welfare and Development Office, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ito sa light materials kaya umabot sa 50 kabahayan ang nasunog.
Umabot naman sa ika-4 na alarma ang sunog bandang alas-5:02 ng umaga at makalipas ang 53 minuto idineklara itong “under control” ng Bureau of Fire Protection.
Alas-6:59 nang maapula ang sunog.
Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng pinagmulan ng sunog. —sa panulat ni Fremie Belamala