dzme1530.ph

3 katao, patay dahil sa cholera; 21 iba pa, na-ospital sa Maguindanao del Sur

Patay ang tatlo katao dahil sa Cholera habang 21 iba pa ang isinugod sa ospital sa Maguindanao del Sur.

Ayon sa Integrated Provincial Health Office ng lalawigan, nakaranas ng pagsusuka, pagdudumi at panghihina ang mga biktima, kung saan tinitingnang sanhi nito ang ininom na tubig mula sa poso ng mga residente sa talayan.

Nagkaroon umano ng fish kill sa ilog malapit sa nasabing poso at doon din itinatapon ang mga pinaghugasan ng pesticides.

Samantala, nagpadala na ng sample ng tubig ang health office ng Dept. of Health para sa mas malalim na imbestigasyon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author