dzme1530.ph

3 empleyado ng CA na gumamit ng ipinagbabawal na droga, sinibak!

Ipinataw na ng Korte Suprema ang parusang pagkatanggal sa serbisyo laban sa tatlong empleyado ng Court of Appeals (CA) para sa paggamit ng ilegal na droga na methamphetamine hydrochloride, na kilala rin bilang shabu.

Sa isang Per Curiam Decision, nakita ng Court en banc sa tatlong empleyado ng CA, na si Garry U. Caliwan, Edmundo T. Malit, at Frederick C. Mauricio, na pawang mga nagpositibo sa mandatory random drugs confirmatory tests noong 2022 na ginawa ng accredited laboratory ng DOH.

Kung saan binanggit din ang maagang pagreretiro ni Mauricio, kung kaya’t nairekomenda na parusahan at alisin ang kanyang mga benepisyo sa pagreretiro at walang-hanggang na disqualification paghawak ng mga pampublikong opisina ng mga gobyerno, maliban sa naipon nitong mga kredito sa bakasyon.

Kaugnay nito pinaalalahan naman ng Kataas- taasang Hukuman ang lahat ng mga kawani ng hudikatura ng pamahalaan kaugnay ng paggamit ng mga ipinagbabawal na droga na batay sa Rules of Court 140, ay mananagot.

Hinikayat din ang lahat ng mga members, officials, employees, and personnel sa hanay ng Judiciary, na marapat na sumalang sa mandatory random drug testing habang sila ay naglilingkod kagawaran ng hudikatura. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author