Binigyan ng pardon ng United Arab Emirates ang tatlong convicted na Pinoy kabilang ang dalawang nasa death row.
Ito ay matapos pagbigyan ng UAE ang apela ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ipinaabot ni Interior Sec. Benhur Abalos ang mensahe ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi, na sinabing ang tatlong Pinoy ay pinagkalooban ng humanitarian pardon ni UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.
Ang dalawa sa mga Pinoy ay sinintensyahan ng parusang bitay dahil sa drug trafficking, habang ang isa ay sinintensyahan ng 15-taong pagka-bilanggo dahil sa slander.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa UAE leader sa kanilang pag-uusap sa telepono. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News