dzme1530.ph

3 Chinese national na nagnakaw ng bag sa loob ng eroplano, arestado sa NAIA

Hinarang ng Bureau of Immigration ang tatlong Chinese national na sangkot sa pagnanakaw ng bag ng isang Judge sa loob ng eroplano.

Kinilala ang mga naarestong suspek na dayuhan na sina Lyu Shuiming, 48-anyos, Xu Xianpu, 41-anyos, at Xie Xiaoyong, 54-anyos.

Ayon sa Immigration nakita ng airlines flight attendant na binuksan ni Lyu ang overhead stowage bin saka kinuha ang bag ng babaeng judge, na naglalaman ng ₱63,000 pati ang mga mahalagang gamit nito.

Nabatid na ang tatlong suspect ay transit passengers sa Manila mula Malaysia patungong Hong Kong.

Napag-alamang may valid VISA si Lyu para makapasok sa Pilipinas.

Agad na inaresto ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) si Lyu, habang sina Xu at Xie ay sumakay sa isang outbound flight.

Ang tatlong dayuhan ay inirekomendang isama sa blacklist ng BI para hindi na muling makapasok ng Pilipinas. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author