Tatlong bagong Economic Zones sa labas ng Metro Manila ang iprinoklama ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang buwan, na inaasahang lilikha ng mas maraming oportunidad sa mga lalawigan.
Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ang mga bagong Ecozone ay kinabibilangan ng Naga City Industrial Park sa Carolina, Naga City; Loupe’s Madalagan I.T. Center sa Bacolod City; at Marina Town Dumaguete sa Piapi, Dumaguete City.
Tiniyak din ng PEZA na nananatili silang on track sa kanilang goal na makapagtayo ng 30 Ecozones kada taon upang palakasin ang economic development sa mga probinsya. —sa panulat ni Lea Soriano