![]()
Natanggap na ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang second impeachment complaint mula sa grupo ng Makabayan bloc.
Ito ang kinumpirma ni ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, isa sa tatlong endorsers ng impeachment complaint.
Mismong si Speaker Dy umano ang nagkumpirma nito bago magsimula ang sesyon ngayong hapon.
Kaninang umaga personal na pinuntahan ng Makabayan bloc bilang mga complainant at endorsers ng impeachment complaint si House Sec. Gen. Atty. Cheloy Garafil, para siguraduhin na mata-tanggap nito ang reklamo.
Tinanong na rin umano nila kay Dy kung makakasama na sa Order of Business ngayong araw ang second impeachment complaint, subalit walang malinaw na detalye.
Sa isang lawaran, nagkaroon ng dialogue si Dy kasama si Marikina Rep. Miro Quimbo sa Makabayan bloc na siyang nagpapa-impeach kay PBBM.
