Kabuuang 26,266 micro-retailers at sari-sari store owners ang napaabutan ng P15,000 na cash subsidy sa ilalim ng sustainable livelihood program ng Dep’t of Social Welfare and Development.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, tinapos na ang SLP Program kasunod na rin ng pagbawi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mandated price ceiling sa bigas.
Sinabi naman ni DSWD Asst. Secretary Romel Lopez na sa orihinal na target na 35,000 rice retailers, mahigit 8,800 ang hindi nakasipot sa distribusyon.
163 naman ang na-disqualify dahil sa mga problema sa dokumento. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News