dzme1530.ph

26, patay sa pagbagsak ng railway bridge sa India

26 na trabahador ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan sa pagbagsak ng ginagawang railway bridge sa India.

Ayon sa Chief Minister, nangyari ang aksidente sa Sairang sa Northeastern State ng Mizoram kung saan itinatayo ang Bhairbi-Sairang New Line Railway Project.

Sa report ng media, mahigit 40 trabahador umano ang nasa site nang mag-collapse ang tulay, subalit sa ulat ng Indian police ay 28 lamang ang mga manggagawa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author