dzme1530.ph

2,500 job vacancies, bubuksan ng Local Employment Office ng City of Manila

Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na magsasagawa sila ng Job Fair katuwang ang mga pribadong kompanya ngayong araw ng Miyerkules, kung saan ang 2,500 mga bakanteng trabaho ang alok dito.

Pangungunahan ni Mayor Honey Lacuna ang naturang Job Fair sa pamamagitan ng Public Employment Service Office.

Bukas ang naturang Job Vacancies para sa High School graduates, College level, College at Tech/Voc graduates.

Katuwang din sa pagbubukas ng trabaho ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE-NCR Manila Field Office.

Sinimulan ang pagtanggap ng mga aplikante mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ngayong Miyerkules, May 31, sa Panday Pira St., Barangay 76, 77, 78 & 79, District 1, Manila.

Pinapaalalahanan naman ang lahat ng mga aplikante na magsuot ng casual attire; magdala ng hindi baba sa 10 kopya ng resume; magdala ng sariling ballpen; at sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.

Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring mapasama sa hired on the spot kung saan makakapagsimula ng trabaho sa lalong madaling panahon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author