dzme1530.ph

56 katao, patay sa sagupaan ng mga otoridad at paramilitary group sa Sudan

Patay ang 56 indibidwal habang halos 200 iba pa ang sugatan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Rapid Support Forces (RSF) at Armed Forces sa Sudan.

Ayon sa Sudanese Doctors’ Union, bineberipika pa nila ang pagkakakilanlan ng mga nasawi na sa Kahrtoum Airport malapit sa lungsod ng Omdurman, El Obeid, at El Fasher.

Una nang nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na manatili sa kanilang bahay habang isinasagawa nila ang aerial survey dahil sa mga aktibidad ng paramilitary group.

Samantala, sinabi ni Army Chief General Abdel Fattah Al-Burhan na magdedeploy sila ng karagdagang tauhan sa Khartoum at iba pang lugar sakaling magpatuloy ang pag-atake ng naturang grupo.

About The Author