242 barangay sa bansa ang inilagay ng Comelec sa ilalim ng red category ng Election Areas of Concern (EAC) bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa Press Conference, sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na batay sa kanilang tala, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamaraming barangay na naisailalim sa red category, as of Sept. 20, na nasa 147.
Inihayag ni Ferolino na nagpapatuloy ang klasipikasyon ng mga barangay habang papalapit ang October 30, 2023 BSKE.
Ipinaliwanag ng Comelec Commissioner na inaasahan nang habang papalapit ang eleksyon ay mas umiigting ang tunggalian, lalo na’t mag-uumpisa na ang campaign period. —sa panulat ni Lea Soriano