![]()
Natuklasan sa bagong pag-aaral ang ‘sweet spot’ sa pakikinig sa therapeutic music.
Sa ginawang randomized clinical trial, lumabas na ang 24 minutes na pakikinig sa music na may auditory beat stimulation o ABS ay epektibong nagpapababa ng stress.
Ang ABS ay paggamit ng rhythmic patterns ng tunog para i-regulate ang brain activity ng isang tao.
Ayon kay Professor Frank Russo, ang nasabing haba ng oras ang pinaka ‘ideal’ dahil mas mabilis nitong pinapakalma ang isipan.
Layon ng nasabing digital therapeutic tool na magbigay ng option sa mga tao na walang sapat na budget para sa regular counseling.
