dzme1530.ph

24-hour power situation monitoring, i-a-activate ng NEA bago ang Barangay at SK Elections

Bubuhayin ng National Electrification Administration (NEA) ang kanilang 24-hour power situation monitoring upang matiyak ang maayos na pagdaraos ng Oct. 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa NEA, kasama ang 121 electric cooperatives sa nasa ilalim ng kanilang ahensya, i-a-activate nila ang kanilang round-the-clock electricity systems monitoring, bukas, Oct. 27.

Sinabi ng ahensya na nagsagawa na sila ng dry-run ng monitoring at reporting protocols kahapon, alinsunod sa Comelec Resolution, kaugnay ng nalalapit na halalang pambarangay.

Bumuo rin si NEA Administrator Antonio Mariano Almeda ng “Power Task Force Election 2023” noong pang Aug. 29 bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author