Bumagsak ng 24.4% ang Debt Service Bill ng pamahalaan noong November 2022 kasunod ng malaking Principal Payment sa Foreign Creditors.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, nagbayad ang gobyerno ng 61.389 billion pesos na Debt service noong Nobyembre ng nakaraang taon, kumpara sa binayarang 81.239 noong November 2021.
Umakyat naman sa 54.2% ang Debt payments mula sa 39.817 billion pesos noong Oktubre ng nakaraang taon.
Lumobo sa 404.9% o 35.089 billion pesos ang Principal Payments sa Foreign Creditors noong Nobyembre habang 208 million ang binayaran sa Domestic Lenders.
Sa naturang buwan, 57.5% ng Debt Service ay napunta sa Amortization habang ang natitira ay ibinayad sa interest.