dzme1530.ph

23rd Grand Slam Title, nasungkit ni Novak Djokovic sa French Open

Nasungkit ng Serbian tennis player na si Novak Djokovic ang 23rd Grand Slam title sa French Open.

Ito’y matapos Pataubin si Casper Ruud ng Norway sa iskor na 7-6, 6-3, 7-5.

Sa pagsisimula ng laban, nagpamalas ng galing si Ruud kung saan naungusan nito ang Serbian player sa first set.

Inamin naman ni Djokovic na hindi bago para sa manlalaro ang madapa sa unang bahagi ng laban kaya’t agad aniya siyang bumawi.

Si Djokovich ang tanging lalaking manlalaro na nagwagi sa apat na grand slams na kinabibilangan ng Australian Open, French Open, Wimbledon at U.S Open. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author