dzme1530.ph

234,000 ektarya ng lupang sakahan, posibleng mapinsala ng bagyong Betty —D.A.

Inihayag ng Dep’t of Agriculture na nasa 234,000 ektarya ng lupang sakahan sa bansa ang nanganganib na mapinsala ng bagyong “Betty”.

Ayon sa D.A. Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, kabilang dito ang 159,116 ektarya ng palayan, at 75,029 ektarya ng taniman ng mais.

Ang mga ito ay nasa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Kaugnay dito, nag-preposition na ang D.A Regional Offices ng mga binhi, fertilizers, plant drugs, at biologics sa storage facilities, at patuloy din nitong mino-monitor ang galaw ng bagyo.

Nakahanda rin itong tulungan ang mga maaapektuhang magsasaka sa pamamagitan ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author