Hindi binigo ni Department of Education Sec. Sonny Angara si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa utos nitong alagaan ang lahat ng atletang kalahok sa Palarong Pambansa.
Pangunahing tiniyak ni Angara ay ang seguridad ng lahat ng atleta at support staff ng 2025 Palarong Pambansa na ginanap sa home province ng Pangulo sa Ilocos Norte.
Bilang chairman ng Palaro Board, hands-on ang Kalihim sa planning at oversight, at may direktang koordinasyon sa lahat ng komite para sa mabilis na aksyon sa logistical at welfare issues.
Siniguro rin nito ang tirahan ng mga student athletes at delegation members, at sinuri ng medical professionals ang kalusugan para matiyak na sila ay fit o nasa maayos na kalusugan bago sumabak sa kompetisyon.
Naglagay din ito ng first aid stations at hydration areas sa lahat ng event venues, habang may naka-standby na ambulansya sa buong billeting at competition sites.
Pinaghandaan din ang posibleng disaster at environment-related concerns, Learner Rights at Protection Desks sa lahat ng billeting quarters at playing venues na handang magbigay ng psycho-social support and interventions.
Sinusugan naman ni DepEd Usec. for Operations at Palaro Sec. General Malcolm Garma ang direktiba ni Angara, sa pamamagitan ng mitikulosong koordinasyon sa Provincial Gov’t ng Ilocos Norte, LGUs at partner agencies para sa secured, inclusive at high-caliver na Palaro.
Ngayong May 31, 2025 pormal na magtatapos ang 2025 Palarong Pambansa.