Magandang panimula ang 2024 inflation figures, ayon kay Albay Cong. Joey Salceda.
Pangunahin nito ang bumababang presyo ng mais na nakatulong para bumaba ng 0.7% ang presyo ng karne.
Para kay Salceda ang pag-iinvest ng Department of Agriculture sa corn processing system ay tamang direksyon.
Ang nag-i-stabilized na presyo ng sibuyas at iba pang vegetable harvests ay nakatulong sa pagbaba ng overall vegetable prices sa 20.8%.
Punto ng kongresista, kung wala ang global rice price situation o external shock, sa pang-kalahatan mababa ang inflation sa buong buwan ng enero.
Ang tobacco at alcohol prices ay mabilis aniya ang pagtaas, subalit nagbibigay daan naman ito para mag-shift ang karamihan sa electronic cigarettes.
Maging ang pagtaas sa presyo ng asukal ay nahinto na rin kaya maganda ito sa food manufacturing o ready-made food at non-alcoholic beverages.
Sa pangkalahatan pababa ang food prices ngayong 2024 kabilang ang bigas bagaman at meron pa ring “upside risk sa logistical cost” bunsod pa rin ng Russia-Ukraine conflict. —sa panulat ni Ed Sarto