dzme1530.ph

2024 basic education program, ipepresenta sa Jan. 25

Nakatakdang ipresenta ng Dept. of Education (DepEd) ang 2024 Basic Education Report (BER) bago matapos ang buwan na ito.

Sa official Facebook page ng kagawaran, inanunsyo ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na ipakikita niya ang 2024 BER sa January 25.

Inaasahan na naka-highlight dito ang accomplishments ng MATATAG Agenda mula nang ilunsad ito noong January 2022.

Magugunitang tinalakay ni Duterte ang pinaka-unang BER noong January 30, 2022 upang bigyan ng ideya ang publiko at stakeholders sa kasalukuyang estado ng basic education sa Pilipinas.—sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author