dzme1530.ph

200,000 Meralco customers, nawalan ng kuryente

Nawalan ng kuryente ang nasa 200,000 costumer ng Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa red alert status nitong Martes.

Apektado ng brownout ang Pampanga, Bulacan, Laguna, Quezon at ilang lugar sa Metro Manila na umiral 3:30p.m. hanggang alas 3:50p.m. kahapon.

Ayon sa MERALCO, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kompaniyang kalahok sa interruptible load program na sakop ng kanilang prangkisa para makatulong na mapagaan ang demand sa kuryente.

Sinabi pa ng Meralco na nakahanda din itong magpatupad ng rotational power interruption kung kakailanganin.

About The Author