Pinalitan na ang mahigit 200 pulis sa lalawigan ng Negros Oriental partikular ang mga naka-assign sa Basay, Bayawan, Sta. Catalina, at Villa Hermosa.
Ito ang iniulat ni PRO7 deputy Regional Director for Operations PCol. Noel Flores kasabay ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon in-aid of legislation sa kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Noong nakalipas na ika-7 ng Marso, matatandaang ipinag-utos ni Interior and Local Government sec. Benhur Abalos na palitan ang mga police personnel ng Negros Oriental.
Kung mapapatunayang sangkot ang pinalitang pulis, sususpindehin ang mga ito.