dzme1530.ph

200 PDLs mula NBP, nailipat na patungong Leyte Regional Prison-BuCor

Umabot sa kabuuang 200 panibagong person deprived of liberty (PDL) ang nailipat na sa Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga PDL ay escorted ng corrections officers, SWAT team at escort personnel mula sa iba’t opisina ng NBP.

Sinabi ni Catapang na ang mga inilipat na PDL ay magpapalakas ng manpower na kailangan ng Leyte Regional Prison (LRP) para mapalawak ang Green Revolution program nito.

Ang tulong anya ng mga PDL sa komunidad ay para makapagtanim ng palay at gulay na magiging suporta sa food security ng bansa.

Sa ilalim ng Bagong Bucor sa Bagong Pilipinas, ay kasalukuyang nagsasagawa ng mga proyekto ang BuCor sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture at Philippine Economic Zone Authority upang magamit nang mabuti ang mga idle lands ng BuCor at payagan ang mga PDL nito bilang mga institutional works sa mga negosyong pang-agrikultura. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author