Kinumpirma ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello lll na dalawang toristang Pinoy ang inaresto sa Taiwan matapos mahulihan ng halos sampung kilong heroin sa airport.
Sa isang interview sinabi ni Bello ang mga naaresto noong September 28 ay mula sa lalawigan ng Lucena at Bulacan na nasa kostudiya na ngayon ng Taiwan police.
Naireport narin daw niya kay pangulong BBM ang nangyari sa dalawang kababayang at pagkasuduan na rin ng MECO at DMW na magbibigay sila ng legal assistance sa dalawang Pinoy na nakakulong na ngayon sa Taiwan.
Nabatid na ang dalawang toristang Pinoy ay sumakay ng China airlines sa Ninoy Aquino International Airport NAIA patungong Kaohsiung dala ang dalawang laggage kung saan nakalagay ang sampung kilong high grade heroin na tinatayang nagkakahalaga ng higit P100 million.
Nagpapatuloy parin daw ayon kay Bello ang imbestigasyon ng Taiwan government kung galing ng Macao o sa Pilipinas ang dalang illegal drugs ng dalawang Pinoy na naaresto sa taiwan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News