dzme1530.ph

2 probisyon sa magkaibang prescriptive period ng krimen sa ilalim ng MIF Bill, pinuna

Pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang dalawang magkaibang probisyon sa inaprubahang Maharlika Investment Fund Bill kaugnay sa prescription ng mga krimen na may kinalaman sa pagpapatakbo ng pondo.

Sa kopya ng inaprubahang panukala, makikita sa Sec. 50 na ang prescription period ay 10 years habang sa Sec. 51 ay 20 years.

Sinabi ni Pimentel na ang pagkakaroon ng dalawang prescriptive periods sa panukala ay magsisilbing very unique feature nito.

Idinagdag ng senador na ito ang resulta ng madalian na pagbalangkas ng Maharlika Investment Fund Bill.

Ipinaalala pa ni Pimentel na iniwan niya sa majority bloc ng Senado ang pagbuo ng pinaniniwalaan nilang priority urgent legislation na kanyang pinaninindigan namang unjustified at unsalvageable.

Wala anya siyang kinalaman sa pagbuo ng final senate version makaraan niyang i-boycot ang amendment period.

Dahil dito, ang majority bloc anya ang dapat na magpaliwanag sa panukala at kung paano nila ipauunawa at iinterpret ang pinal na bersyon. — ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

 

About The Author