dzme1530.ph

2 patrol vessels, kinomisyon ng Philippine Navy

Dalawang patrol vessels na kinabibilangn ng BRP Valentin Diaz at BRP Ladislao Diwa ang kinomisyon sa isang seremonya sa Philippine Navy Headquarters sa Maynila.

Ayon sa Philippine Navy, ang mga naturang sasakyang pandagat ay gagamitin sa coastal patrols malapit sa mga dalampasigan, at sa iba pang naval at humanitarian assistance at disaster relief operations.

Sinabi ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr. na ang mga naturang patrol vessels ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng maritime environment.

Ang BRP Valentin Diaz at BRP Ladislao Diwa na donasyon ng US, ay idaragdag sa alvarez-class patrol ships ng Philippine Navy.

Isinunod ang pangalan ng dalawang patrol ships sa mga Pilipinong bayani na kabilang sa nagtatag ng Katipunan na naglunsad ng rebolusyon laban sa mga kastila noong 1896. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author