dzme1530.ph

2 patay, 5 sugatan sa pamamaril sa kasagsagan ng BSKE sa Maguindanao del Norte

Dalawang botante ang patay habang limang iba pa ang nasugatan sa pamamaril ng armadong kalalakihan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, sa Maguindanao del Norte, kaninang umaga.

Ayon kay Lt. Col. Esmael Madin, Chief of Police ng Datu Odin Sinsuat, pinagbabaril ng mga salarin ang hindi pa pinapangalanang mga biktima habang papasok ng Bugawas Elementary School upang bumoto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sinabi ni Madin na tumakas ang mga suspek na kinilalang sina Romar Abas alyas “Mok,” Keds Lidasan, Michael Abas at Teng Kapaya, lulan ng motorsiklo.

Nagpatuloy naman ang botohan, subalit inilipat ito sa kalapit na paaralan.  —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author