dzme1530.ph

2 pang akusado sa Salilig Hazing Case, naghain ng not guily plea

Dalawa pang akusado sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig bunsod ng hazing, ang naghain ng Not Guilty plea sa Korte sa Biñan, Laguna.

Ayon sa Panel of Prosecutors, nagpasok ng not guilty plea sina Armando Hernandez Jr. alyas Tyler at Lester Sus alyas Biggie, sa Biñan Regional Trial Court Branch 155 para sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law sa pamamagitan ng video conference.

Sinabi ng prosecutors na marami pa sa mga akusado ang hindi pa nababasahan ng sakdal dahil nananatiling at large.

February 28, nang matagpuan ang bangkay ni Salilig sa isang mababaw na hukay sa Imus, Cavite, 10-araw matapos siyang maiulat na nawawala, at sumalang sa hazing rites ng Tau Gamma Phi Fraternity. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author