Bubuksan ng libre sa publiko ang dalawang museo sa loob ng Malacañang Complex.
Itinakda sa June 1 ang Soft Opening ng Malacañang Heritage Tours tampok ang Bahay Ugnayan, at Teus Mansion.
Ayon sa Presidential Communications Office, itatampok sa Bahay Ugnayan ang buhay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. mula pagkabata hanggang sa maging Presidente ng Pilipinas.
Ilalahad naman sa Teus Mansion ang mga pangyayari sa buhay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas at ang kanilang iniwang legasiya sa sambayanang Pilipino.
Magbubukas ang pintuan ng dalawang museo Martes hanggang Linggo, simula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Samantala, mamayang hapon ay pangungunahan ng Pangulo at ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Ceremonial Opening ng Malacañang Heritage Tours sa dalawang mansyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News