Itinalaga sa bagong posisyon ang dalawang mataas na opisyal ng PNP sa pinakabagong balasahan sa police organization.
Alinsunod sa kautusan ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., magsisilbi si Lt. Gen. Emmanuel Peralta bilang Deputy Chief for Administration, na ikalawa sa pinakamataas na posisyon sa PNP.
Pinalitan ni Peralta si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, na nagretiro sa serbisyo noong Jan. 26.
Bago ang appointment, si Peralta ang Chief of the Directorial Staff o ika-4 na top official sa PNP.
Samantala, pupunan naman ni Area Police Command- Northern Luzon Commander, Major Gen. Jon Arnaldo ang binakanteng posisyon ni Peralta bilang pinuno ng Directorial Staff. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera