Dalawang low pressure area (LPA) ang mahigpit na binabantayan ngayon ng PAGASA.
Ayon sa state weather bureau, ang LPA sa Eastern Visayas ay huling namataan sa layong 800 kilometro sa silangan ng Extreme Northern Luzon.
Hindi anila inaalis ang posibilidad na maging isang bagyo ang nabanggit na LPA.
Habang isa pang namumuong sama ng panahon na nasa labas ng bansa ang namonitor rin ng PAGASA na huli namang namataan sa layong mahigit 1,400 kilometro silangan ng Southeastern Luzon.
Gayunman, ang Trough o extension ng LPA pa rin ang magdadala ng maulap na kalangitan at pag-uulan sa ilang lugar sa bansa.
Kabilang ang Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga at Davao Region.